Akyat-bahay na-sandwich sa 2 building, tigok

NAGKALASOG-lasog ang katawan ng umano’y akyat-bahay nang maipit ang katawan nito sa dalawang gusali habang tumatakbo sa mga bubong sa California.

Umiwas sa pulisya si Frank Madrid, 50, matapos siyang isumbong ng may-ari ng pinasok niyang bahay. Kinalaunan ay nakita siyang na-trap sa pagitan ng dalawang residential building. Wala na siyang buhay.