Sex via video chat sa FB buking

ISA pang Facebook group, na may libo-libong miyembro, na ginagamit ng mga kabataan upang magbenta ng malalaswang larawan at video ang nadiskubre kamakailan.
Sa Facebook group na Blueroom, makikita ang mga screenshots ng pag-uusap kung magkano at saan ipadadala ang bayad kapalit ng mahahalay na video chat. Mayroon itong 20,000 miyembro.
Nadiskubre ang nasabing FB group ni Sen. Risa Hontiveros matapos niyang ipatanggal sa social media site ang isa pang grupo na may kaparehas na modus. Mayroon naman iyon na 7,000 miyembro.
Naging talamak ang bentahan ng x-rated video chats, picture at video noong kasagsagan ng ECQ sa maraming lugar sa bansa.