6 namasyal sa nag-aalburutong Taal Volcano, tiklo

NAKATAKDANG kasuhan ang mag-asawa at isang bangkero na namasyal sa nag-aalburutong bulkan ng Taal kahapon.Nadakip ang tatlo, kasama ang tatlong menor de edad na pamangkin ng mag-asawa, habang paalis na ng bulkan.Ayon sa pulisya, ilang beses na nag-Facebook live ang grupo sa main crater ng bulkan bago sila nasakote.Nananatiling nasa alert level 2 ang bulkan bunsod ng mahigit 50 pagyanig na naitala sa loob ng isang araw.Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 41 sa pagyanig ay “episodes of volcanic tremor having durations of one to four minutes.”