PINAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga school transport services na magbalik-operasyon na ngayong nalalapit na pagbabalik na in-person classes.
Sa pinakahuling memorandum circular, sinabi ng LTFRB na ang may mga aktibong Certificate of Public Convenience (CPC) or Provisional Authority (PA) ay maaari nang muling mag-operate, kabilang na ang mga may expired CPC na may nakabinbing aplikasyon for Extension of Validity to operate para ngayong pasukan.
“Transport services with expiring CPCs dating from 31 March 2022 to 31 August 2022 have been allowed to file an application for Extension of Validity, with the LTFRB waiving penalties,” ayon sa memorandum.
“LTFRB will also waive penalties for school service units with pending confirmation from 31 March 2020 to 31 August 2022,” dagdag pa nito.
Hindi rin papatawan ng penalty ang mga expired and CPC bilang konsiderasyon sa dinadanas na problemang pinansyal ng mga operators at drivers dala ng pandemya.