WALANG balak tumakbo sa pagkapangulo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa 2028.
Gayunman, sinabi ni Duterte na nakadepende ang lahat, lalo pa ang kanyang desisyon tungkol sa kanyang future sa plano ng Diyos, gaya nang kanyang naranasan na hindi niya nais maging bise presidente ngunit dinala siya rito.
“Hindi ko naman talaga ambisyon na tumakbo as vice president lalong lalo na ang president alam niyo naman lahat yan, sinabi ko naman na di ko gusto na tumakbo as president,” pahayag ni Duterte sa isang ambush interview nitong Linggo.
Samantala, tutugunin na lamang anya ng kanyang tanggapan ang sinasabing planong pagsasampa ng impeachment complaint sa tamang panahon.
“We are currently doing our due diligence about this one, and we will release a comment in appropriate time,” dagdag pa ng opisyal.
Una nang sinabi ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na may mga usapan na umano sa Kamara hinggil sa balak na pagsasampa ng impeachment sa pangalawang pangulo.