IPINAGMALAKI ni Speaker Martin Romualdez ang mga nagawa ng Kamara sa ilalim ng kanyang liderato sa harap ng mga umuugong na coup d’ etat.
Iginiit din ng lider ng Kamara na walang gulong nagaganap kayat madaling naipapasa ang mga panukala sa Mababang Kapulungan.
“The House of the People is in order. This same level of order is what allowed us to approve on third and final reading at least 29 of the 42 bills that comprise the legislative agenda of President Ferdinand Marcos Jr.,” sabi ni Romualdez.
Nauna nang tinanggal ng Kamara si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. Nagbitiw naman si Vice President Sara Duterte sa partido Lakas-CMD isang araw matapos maalis si Arroyo sa pwesto.
“Ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino ang dapat nating paglaanan ng atensiyon. Isantabi na po ang pamumulitika na wala sa tamang panahon,” dagdag ni Romualdez.