Sara nagpasaring: ‘Wag kang tambaloslos

MAY pasaring si Vice President Sara Duterte na ngayon ay usap-usapan sa social media kung sino ang pinasasaringan nito.

Ang parinig ni Duterte ay ginawa niya sa Instagram, ilang araw matapos kumalas sa Lakas-CMD.

“In your ambition, do not be tambaloslos,” sabi ni Duterte.

Ang tambaloslos ay isang uri ng aswang sa Bicolano myths.

Nauna nang nagbitiw si Duterte sa Lakas-CMD isang araw matapos na tanggalin si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. Hindi naman tinukoy ni Duterte kung sino ang pinariringgan.