NANAWAGAN ang abogado ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves para sa kahinahunan matapos iturong “mastermind” ang kongresista sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.
“We call on all concerned to observe sobriety in their pronouncements regarding the allegations against Rep. Arni Teves in the face of certain accusations against him in connection with the killing of Governor Roel Degamo and several other persons,” sabi ng abogadong si Ferdinand Topacio.
Ayon pa sa abogado, mariing kinokondena ng kanyang kliyente ang pagkakapatay kay Degamo kung saan walo pa ang nasawi habang maraming iba pa ang nasugatan.
Isa sa mga suspek ang nagsabi na si Teves ang utak ng pagpatay sa gobernador.
Kinumpirma naman ng PNP Region 7 na nakilala na nila ang mga posibleng utak sa asasinasyon.
“The declarations made publicly earlier by one of the suspects in Gov. Degamo’s killing were information that we already acquired from the moment we arrested the four suspects six hours from the incident,” ayon sa press statement na inilabas ng PNP Region 7.
Tiniyak naman ni Topacio na haharapin ni Teves ang kaso laban sa kanya.