Rendon pag-uumpugin Moira, Jason ‘pag di tumigil

WALA raw pakialam ang motivational speaker na si Rendon Labador sa isyu ng estranged couple na sina Moira dela Torre at Jason Hernandez.

Gayunman, kapag hindi raw tumigil ang dalawa ay pag-uumpugin niya ang mga ito.

Tinawag din niya na “t*nga” ang mag-asawang singer-songwriters.

“Wala akong paki alam sa dalawa na yan, baka pag-umpugin ko pa yan kapag hindi tumigil,” ani Rendon sa mga netizens na hinihingan siya ng opinyon sa kontrobersya sa pagitan nina Moira at Jason.

“Focus na lang kayo sa kanya kanya ninyong mga buhay. Ganyan talaga kapag nagsama yung dalawang t*nga. Intindihin nyo na lang,” payo naman niya sa mga tagasuporta niya.