SWS: 45% Pinoy naniniwalang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan

SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na 45 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang gaganda ang kaledad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Sa isinagawang survey mula Marso 26 hanggang Marso 29, lumalabas na 42 porsiyento ang nagsabi na walang magiging pagbabago sa kanilang buhay at anim na porsiyento ang nagsabi na lalala pa ito.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondent sa buong bansa.