Regine dismayado sa dami ng Covid deaths

DISAPPOINTED ang singer na si Regine Velasquez sa dami ng mga namamatay na Pilipino sa Covid-19.


Sa isang tweet, nagpahaging si Regine na hindi sapat ang Covid response ng pamahalaan.
“Bakit parang pinabayan na lang tayo? Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga? People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening?” aniya.
Sa kasalukuyan ay umani na ng mahigit 7,200 likes ang tweet ni Regine.


Kahapon ay nasa 225 ang bilang ng mga bagong namatay sa Covid-19, ayon sa Department of Health, mas mababa sa naiulat na 401 noong Biyernes.