IIMBESTIGAHAN ng Department of the Interior and Local Government ang mga ulat na ilang mga probinsya ang tumatangging magpapasok ng turista sa kanilang lugar sa kabila ng ipinatutupad na bagong travel protocols.Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na kakausapin niya ang League of Governors upang kumpirmahin ang reklamo ng Air Carriers Association of the Philippines.
Dagdag niya kailangang suportahan ng mga opisyal ng mga probinsya ang turismo upang maibangon ang ekonomiya.Sa ilalim ng uniform travel protocol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, hindi na kailangang sumailalim sa Covid-19 testing ang mga turista maliban kung ipinag-uutos ng LGU bago sila bumiyahe. Hindi na rin kailangang i-quarantine ang mga ito pwera na lang kung may sintomas pagdating sa pupuntahan.