NGAYON pa lang ay pinapayuhan na ang publiko ng Department of Trade and Industry na unti-unti nang bumili ng mga produktong ihahanda sa Kapaskuhan dahil nagbabantang tumaas ang mga ito sa mga susunod na linggo.
Ayon sa DTI, marami na silang request na natatanggap mula sa mga food manufacturers para magtaas ng presyo ng kanilang produkto na gagamitin sa noche buena.
Ilan sa mga nauna nang nag-request ng price hike ay para sa ham, mayonnaise at sandwich spread.
Tanging price guide at hindi suggested retail price ang maibibigay ng DTI sa mga nasabing food items na ito dahil hindi sila kabilang sa prime o basic goods.
“It’s a guide that we cannot enforce because these products are not prime or basic goods. It’s a seasonal product, which we issue advisories for,” ayon kay Trade undersecretary Ruth Castelo.