Presyo ng isda asahan nang tataas sa Semana Santa

ASAHAN na ang pagtaas ng presyo ng isda ngayong papasok na ang Mahal na Araw, paalala nitong Martes ng Department of Agriculture.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, nito lang mga nakalipas na araw ay nagmahalan na ang presyo ng isda sa mga wet market.

“Umiiwas na ang mga tao sa pagkain ngayon ng pork at iba pang karne bilang paggunita sa Mahal na Araw,” ayon kay de Mesa.

Kadalasan anya ay pumapalo sa 10 hanggang 20 porsiyento ang itinataas ng presyo ng mga isda.