Pops nanggigil sa unang apo

PINANGGIGILAN nang husto ng singer na si Pops Fernandez ang unang apo na si Phineas nang makita niya ito nang personal.


Ibinahagi ni Pops sa Instagram ang ilang larawan at video ng pag-aalaga niya kay Finn, ang panganay ng anak niyang si Robin Nievera.


“Finally meeting Baby Finn. A minute full of gigil moments with him!” caption niya.


Sa video ay makikita ang Concert Queen na nagpapalit ng diaper ng sanggol.


Chika ni Pops, “lolli” na pinaikling lollipop imbes na lola ang gusto niyang ipatawag sa apo pag laki nito.


Binati si Pops ng ilang kaibigan sa showbiz sa bago niyang papel bilang lola.


“Welcome to Mamita land,” ani Jackielou Blanco.


“Welcome to the club!!!” sey naman ni Nadia Montenegro.