Lumang photos ni Francis M idinonate kay Boss Toyo

IPINAUBAYA ni Abegail Rait at anak niyang si Gail Francesca ang mga larawan na kuha ng namayapang rapper na si Francis Magalona sa Pinoy Pawnstar vlogger at entrepreneur na si Boss Toyo.

“Member siya ng Camera Club of the Philippines. So, of course, mahilig siya sa photography,” sey ni Abegail, dating girlfriend ni Francis M.

Noong una ay tinuringan ni Abegail ng P600,000 ang anim na larawan, pero kinalaunan ay sinabi niya kay Boss Toyo na ido-donate niya rito ang mga memorabilia.

“Gusto ko lang talagang ibigay ‘to sa inyo as a token of appreciation. Gusto kasi namin i-share sa pamamagitan mo ulit itong memorabilia na ‘to and siyempre looking forward ako sa tinatayo mong museum,” paliwanag niya.

“Tatanggapin ko ito nang maluwag sa kalooban at hinding-hindi ko ‘yan tatanggihan,” sagot ni Boss Toyo. Matatandaan na unang lumabas si Abegail sa Pinoy Pawnstars noong nakaraang Oktubre, kung saan isiniwalat niya na nagkaroon sila ng anak ng Master Rapper sa kanilang ilang taon na relasyon.