Polo ni Francis M binili na P620K

UMABOT sa P620,000 ang nanalong bid sa polo na ginamit ni Master Rapper Francis Magalona sa music video na “Bagsakan” ng Parokya ni Edgar.

Ang rapper at Pinoy Pawnstar YouTuber na si Boss Toyo (Jayson Luzadas sa totoong buhay) ang nag-alok ng pinakamataas na bid sa ginanap na subasta.

Si Boss Toyo rin ang nakabili ng polo ni Gloc9 sa halagang P80,000, at sa polo ni Parokya frontman Chito Miranda sa halagang P150,000. Isinuot din nina Gloc 9 at Chito ang mga polo sa nasabing music video.

“Napakalaking tulong nito for Gab (Chee Kee) kasi lahat ng kinita sa pagbenta ng mga polo ay mapupunta sa kanya,” ani Chito sa Facebook.

“Sobrang salamat din kay Ma’am Pia Magalona sa pag-donate ng polo ni Sir Kiko para kay Gab (alam ko po na sobra yung sentimental value ng polo sa inyo pero pinili nyo pa ring i-donate para makatulong sa kabanda namināœŒšŸ¼šŸ˜­ā¤ļø),” dagdag niya.

Si Gab ang gitarista ng Parokya ni Edgar na nakikipaglaban sa lymphoma.