Police exec na humingi ng ‘CPP info’ sa korte sibak

TINANGGAL sa pwesto si Lt. Fernando Calabria, ang hepe ng Calbayog City police intelligence unit na humingi ng listahan ng mga abogado na tumutulong sa mga personalidad na umano’y kasapi ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

Iniimbestigahan na rin kung ano at sino ang nagtulak kay Calabria na sumulat sa korte ng Calbayog City para makagawa ng listahan.Ayon naman sa PNP, “(it) did not issue any such order and will never tolerate such unprofessional method of information-gathering.”