Live-in partner na nang-rape ng anak, tiklo sa droga

SHOOT sa kulungan ang mag-live-in partner makaraang makuhanan ng mahigit P250,000 halaga ng shabu sa Upper Madali, Davao City kagabi.

Maliban sa drug pushing, nahaharap din ang mag-asawa sa mga kasong pangmomolestiya at panggagahasa na isinampa ng anak ng babaeng suspek.

Ayon sa ulat, pinuwersa ng mga suspek ang babaeng biktima na manood ng kanilang pagtatalik noong 2019. Hindi pa nakuntento, nagtulong pa ang dalawa sa pangre-rape sa bata.