Pinoy, 10 Thai, 13 Israeli pinakawalan ng Hamas

KABILANG ang isang Pinoy sa 24 katao na pinakawalan ng Hamas fighters sa unang araw ng temporary ceasefire sa pagitan ng militanteng grupo at Israeli forces nitong Biyernes.

Bukod sa Pinoy, 10 Thai national at 13 Israeli na mga bata at kababaihan ang pinakawalan din ng grupo matapos silang i-hostage ng pitong linggo simula ng Oct. 7 attack.

Pinakawalan ang 24 sa mga Egyptian authorities bago tumawid sa Rafaf border kasama ang walong miyemrbo ng International Committee of the Red Cross.

Samantala, 39 Palestinian na mga kababaihan at mga bata ang pinakawalan naman ng mga Israeli.

Bago ito, sumang-ayon ang magkabilang grupo para sa temporary truce na tatagal ng apat na araw.