NANGAKO si Pangulong Bongbong Marcos na makakamit ng bansa ang rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon sa harap naman ng patuloy na importasyon ng bigas kung saan umabot ito ng 3.8 milyong metriko-tonelado noong 2022.
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos niyang pulungin sa Malacañang ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) kung saan siya binigyan ng briefing kaugnay ng estado sa bansa sa usapin ng agrikultura.
“From that discussion, we have begun to put in the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” sabi ni Marcos.
“There’s a great deal of work to do pero nakikita na namin kung papaano gagawin. So that’s what we will work on for now,” dagdag ni Marcos.