Phreatic burst naitala sa Taal volcano

SINABI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala ng phreatic burst sa Taal Volcano kaninang alas-12:54 ng hapon na tumagal ng dalawang minuto.

Idinagdag ng Phivolcs na nagbuga rin Taal Volcano ng puting usok na umabot ng 250 metro ang taas na patungong timog kanluran.

Niliwanag naman ng Phivolcs na nananatili ang Alert Level 1 sa Taal Volcano sa kabilan ng nangyaring aktibidad nito.