NANINIWALA si Pangulong Bongbong Marcos na kabilang na ang Pilipinas sa ‘VIP Club’ ng mga economic leaders na dumalo sa World Economic Forum (WEF).
Idinagdag ni Marcos na ang VIP Club ang listahan ng mga bansa sa Southeast Asia na itinuturing best-performing economies.
“Mabuti naman at nakapunta tayo rito, dahil sa pagpunta natin, nasama tayo sa tinatawag nilang VIP Club… ‘Yung VIP Club ay Vietnam, Indonesia, and Philippines. Yun daw ang pinakamagandang ekonomiya sa Asya,” sabi ni Marcos.
Nakabalik n si Marcos nitong Sabado mula sa kanyang ikawalong biyahe matapos na umupo noong Hunyo 30, 2022.
“Napakaganda ng mga naging pangyayari dahil napakarami naming nakilala at nakausap na mga sikat na mga economic leaders at mga political leaders at nandito silang lahat,” dagdag ni Marcos.
Nakatakdang lumipad si Marcos sa Japan sa Pebrero 2023.