Big time oil price hike na naman

NAKAAMBA ang big time oil price hike simula bukas, Enero 24, 2023, kung saan aabot ng P3 hanggang P3.50 kada litro ang magiging pagtaas ng presyo ng gasolina.

Base sa ulat, aabot naman sa P2.20 hanggang P2.70 kada litro ang dagdag presyo sa diesel samantalang mula P2.40 hanggang P2.90 kada litro ang idadagdag sa presyo ng kerosene.

Isinisi naman ang dagdag presyo sa pagtaas ng demand sa China bunsod ng pagdiriwang ng Chinese New Year. Nagbabala rin ang mga industry player na magsusunod-sunod na ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ng China.