SINIMULAN na ng Pfizer Inc ang pag-aaral para sa oral antiviral drug para labanan ang coronavirus disease.
Kabilang ang Pfizer sa ilang kumpanya sa Estados Unidos at Switzerland na nakikipag-unahan para makabuo ng oral anti-viral na lalaban sa COVID-19.
Ang dalawang kompanya na ngayon ay pinag-aaralan ang pagbuo ng anti-viral pill ay ang US-based na Merck and Co Inc at ang Swiss pharma na Roche Holding AG.
Isasabak ng Pfizer sa kanyang mid-to-late-stage study ang gamot na PF-07321332 na ipaiinom sa 2,660 malulusog na participants na may edad 18 pataas at magkakasama sa iisang bahay na ang isa ay may kumpirmadong kaso ng COVID-19 bagamat asymptomatic.