Pagpapabakuna sa ‘general public’ sisimulan sa Oktubre

INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang pagbabakuna sa general public o sa lahat simula Oktubre.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari ring gamitin ang pulisya para magpabakuna ang lahat.

“Nagbigay ng opinyon ang Presidente na sa ilalim ng police power estado, pupuwedeng ma-compel ang lahat na mabakunahan.,” sabi ni Roque.

Hinimok din ni Roque ang lahat ng magulang na ipalista ang kanilang mga anak para mabakunahan kontra coronavirus disease (Covid-19).