MAGBIBITIW sa kanyang puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Melquiades “Mel” Robles kung mapapatunayang may dayaan sa lotto.
“Hindi po maaaring magic-in, itataya ko po ang aking trabaho diyan. Kung puwede hong ma-rig ang aming games, bukas po magre-resign po ako. Ganyan po katindi ang paniniwala ko,” pahayag ni Robles sa
programang “The Mangahas Interviews.”
Bilang patunay na walang dayaan sa pagbola ng lotto winning numbers, ibinida ni Robles ang “Level 1 Certification” at “Seal of Excellence” na natanggap ng PCSO mula sa World Lottery Association.
“Ito po ang panlaban namin laban sa mga alegasyon na wala pong basehan kundi ang isang testimonya lang ng isang nag-aakusa,” pagdidiin ni Robles.