Taga-Maynila bawal tumoma malapit sa simbahan

IPATUTUPAD sa siyudad ng Maynila ang dalawang araw na pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa loob ng 500-meter radius ng mga simbahang Katoliko sa lungsod.

Ipaiiral ang liquor ban, ani Mayor Honey Lacuna sa kanyang Executive Order No. 9,  sa Huwebes Santo, Marso 28, at Biyernes Santo, Marso 29.

Ayon kay Lacuna, kailangang masiguro ang kapayapaan at kaayusan ng Semana Santa. Mag-iikot ang mga kapulisan sa lungsod upang matiyak na nasusunod ang ban.