SUMIKLAB ang sunog sa Baguio City Public Market kagabi kung saan natupok ang tinatayang 1,700 stalls, ayon kay Baguio City Benjamin Magalong.
Ayon kay Magalong nagsimula ang sunog alas-11 ng gabi.
Aniya, apektado ng sunog ang mga gulayan at dry goods. Tinatayang aabot sa 8,900 ang kabuuang bilang ng stall sa palengke.
Idineklara ang sunog na fire out alas-4:38 ng umaga.
Ayon kay Magalong, papayagan munang makapagbenta sa kalye ang mga apektado ng sunog habang naghahanap ng paglilipatan ang mga apektado ng sunog.
Ayon kay City Fire Marshal Supt. Marisol Odiver, nagsimula ang sunog sa Block 4 extension area sa wagwagan section malapit sa chicken livestock.
Hindi pa rin mabatid ang sanhi ng sunog. Tinatayang aabot naman sa P24 milyon ang natupok ng sunog.