SINABI ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na inendorso ng National Police Commission (Napolcom) na tanggapin ang pagbibitiw ng dalawang heneral at dalawan colonel dahil sa umano’y pagkakaugnay ng mga ito sa ilegal na droga.
Idinagdag ni Abalos na hindi naman tinanggap ang pagbibitiw ng 217 opisyal, at nirerepaso pa ang inihaing courtesy resignation ng 32 iba pang opisyal ng PNP.
Idinagdag ni Abalos na tuloy ang imbestigasyon sa apat na opisyal habang hinihintay ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos kung tatanggapin ang rekomendasyon ng five-man advisory panel.
“Whether or not tanggpin ang resignation, we want to make sure na this is without prejudice sa kasong isasampa namin sa inyo para yung benepisyo mo naman medyo huwag mo na makuha at yung iba and other criminal cases na isasampa,” sabi ni Abalos.
Nauna nang pinagbigtiw ni Abalos ang 253 heneral at colonel para bigyang daan ang imbestigasyon kaugnay ng pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa ilegal na droga.