Pag-ban sa TikTok isinusulong sa Kamara

ISINUSULONG ngayon sa Kamara ang pag-ban sa TikTok, isang app na kontrolado ng “foreign adversary” na naririto sa bansa.

Ayon kay Manila Rep. Bienvenido Abante sa kanyang House Bill 10489 na isinumite ngayong Huwebes, dapat ipagbawal ang distribusyon, maintenance at update ng anumang app gaya ng TikTok na hawak ng ibang bansa na “threat” sa Pilipinas.

Nakakabahala anya ang popular na social media app na TikTok na kontrolado ng China-based Byte Dance dahil nakokolekta ang mga sensitive user data, dahilan para maimpluwensiyahan nito at makahubog ng opinyong publiko.

“China could therefore use TikTok’s content recommendations to fuel misinformation, a concern that has escalated in the United States and led to the passage of a law… banning TikTok in the US,” anya.

Banned na sa India ang TikTok at iba pang Chinese-created app.