Inipon na P35K inanay, bebot naiyak

LAKING panghihinayang ng isang babae mula sa Governor Generoso, Davao Oriental nang madiskubre na kinain ng anay ang itinabi niyang P35,000.

Ibinahagi ni Sherell Ampong sa Facebook ang video ng inanay niyang pera.

“Grabe mura ko ug gibagsakan ug hollow block ako alkansya na 35k ang sulod na pino gikaon sa mga anay,” aniya.

Habang humahagulgol, ikinuwento ni Sherell

na itinago niya ang pera sa isang karton na itinago niya sa aparador.

Aniya, nagsimula siyang mag-ipon noong January 2023 mula sa kinita niya sa pagbabarbecue sa harap ng kanilang bahay.

Inilalaan ni Sherell ang pera para pambili ng

laptop at cellphone ng dalawa niyang anak na nasa college at senior high school.

“Sayang kaayo ang kuwarta,” ani Sherell. “One thousand gikaon sa anay.”

Sa galit, pinagmumura niya ang mga anay.