NASABAT ng mga awtoridad ang 780,000 kilo ng smuggled na asukal na nagkakahalaga ng P85 milyon matapos ang isinagawang inspeksyon sa 30 container van sa Subic Port, Zambales.
Sinabi ng Department of Agriculture na nakapangalan ang mga kargamento sa ilalim ng MFBY CONSUMER GOODS TRADING na idineklarang slipper outsoles and styrene butadiene rubber ang nasabing shipment.
Nahaharap ang consignee sa mga kasong misdeclaration at misclassification sa ilalim ng Republic Act No. 10611, Food Safety Act of 2013, at Republic Act No. 10845, at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.