Ilocos Norte inuga ng 5.1 magnitude na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol ang Ilocos Norte ngayong alas-09:23 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 12 kilometro, 39 kilometro hilaga ng Burgos, Ilocos Norte.

Naitala ang Instrumental Intensity 3 sa Pasuquin, Batac and Laoag, Ilocos Norte at Instrumental Intensity 1 sa Sinait at Vigan City, Ilocos Sur.

Wala namang inaasahang pinsala bagamat nagbabala ang Phivolcs na makararanas ng mga aftershocks.