Vice Ganda inokray sa pagbili ng P380K na aso

HINDI pinalagpas ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang pamununa ng ilang netizens sa pagbili niya at ng asawang si Ion Perez ng aso na nagkakahalaga ng P380,000.

Sa It’s Showtime, kinudaan ni Vice ang mga netizens na nanghihinayang sa perang ipinambili ng tuta. Hirit na iba, sana’y totoong baby na lang ang inampon niya.

Clapback ni Vice: “Maganda yung mag-adopt talaga ng mga dogs pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala. Kaya pwede kami mag-decide? It’s our life, di ba?”

“It’s our life, it’s our joy. Can’t you just be happy for our joy and for our lives?” dagdag niya.

Inulat ng PUBLIKO nitong Huwebes na bumili ng Pomeranian ang mag-asawa “para happy…kasi dadalawa lang naman kami.”

Dagdag niya, matagal na nilang plano ni Ion na magka-“baby” para “lalong sumaya bahay namin. Para may mapag-sharean din kami ng saya. Para may magpapasaya sa aming bago. Para mayroon kaming lalambingin, mamahalin, aalagaan. Para lalong maging masaya ang life.”