BUNSOD ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin dulot ng gera sa pagitan ng Russia at Ukraine, nanawagan ang grupong Partido Manggagawa sa Kongreso na itaas ang minimum wage ng P100.
Hiling din ng grupo ang “cash aid, price discounts, and an emergency jobs creation program” bukod sa taas sweldo na hinihingi nilang isabatas.
Dapat na umanong itaas ang minimum wage dahil tatlong taon na itong napako sa P537 kada araw.
“The regional wage boards are useless. They have been sleeping on the job for the past three years. Instead, workers want Congress to pass a law mandating a P100- across-the-board wage increase,” ayon kay Partido Manggagawa national chairman Rene Magtubo.
Una nang nanawagan si presidential candidate Senador Panfilo Lacson na dapat i-review ang minimum wage sa lahat ng rehiyon.