P1.2M pabuya alok vs killer sa police chief ng San Miguel, Bulacan

UMABOT na sa P1.2 milyon ang pabuyang alok sa sinoman na makapagbibigay ng impormasyon para sa ikaaaresto ng mga suspek na nasa likod ng pagpatay kay San Miguel, Bulacan Police Station Chief of Police PLtCol Marlon Serna.

Manggagaling ang P1.2 milyon mula kay Interior Secretary Benhur Abalos, P500,000; PRO 3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., P300,000; Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., P200,000 at Bulacan Governor Daniel Fernando, P200,000.

Pinagbabaril si Serna noong Sabado ng riding-in-tandem habang rumeresponde sa isa umanong insidente ng pagnanakaw sa San Miguel, Bulacan. Nasawi si Serna habang ginagamot sa Emmanuel Hospital.