IDINEKLARA ni Pangulong Bongbong Marcos ang Oktubre 31 bilang special non-working holiday.
“The President has already signed the proclamation declaring October 31 as a special non-working holiday para na rin po mas marami po tayong time kasama ang ating pamilya at para ma-promote na rin po ang ating local tourism,” sabi ni Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang press conference.
Nangangahulugan ito ng long weekend kung saan tatama ang Oktubre 31 ng Lunes.
Nauna nang idineklara ang Nobyembre 1 (Martes) bilang special-non working holiday bilang paggunita sa Araw ng mga Patay.