MULI na namang nagkaaberya ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ngayong Biyeres matapos and 37 minutong brownout.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), bagamat wala namang naiulat na nagkansela ng flight dahil sa brownout, pitong flight naman ang na-delay.
Agad ding nakipagpulong ang MIAA sa subsidiary ng Meralco na MServ para tukuyin ang dahilan ng power interruption.
Iginiit naman ng pamnuan na “minimal” lang ang naging epekto ng brownout dahil naibalik din ang kuryente matapos ang 37 minuto.