TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakahanda itong magbigay ng libreng sakay sakaling maraming maapektuhan ng isasagawang transport strike simula sa Lunes (Marso 6).
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni MMDA Spokersperson Atty. Melissa Carunungan na nakipag-ugnayan na ang MMDA sa Department of Transportation (DoTr) at Department of Local Interior and Local Government (DILG) para paghandaan ang nakatakdang welga.
“Sa pagpupulong kahapon ng Metro Manila Council, humingi ang aming Chairman, Atty. Artes, ng imbentaryo po ng assets ng bawat LGU at barangay na puwedeng gamiting libreng sakay o pang-augment ng public transportation kung may shortages po ng mga sasakyan,” dagdag ni Carunungan.
Layunin ng welga na tutulan ang nakatakdang phaseout ng mga tradisyunal jeepney. Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hanggang Disyembre 31, 2023 ang phaseout.