Miss Universe Ph frontrunners hindi umuwing luhaan

HINDI man nila nakuha ang minimithing Miss Universe crown ay hindi naman umuwing luhaan sina Alexie Brooks ng Iloilo at Athisa Manalo ng Quezon Province.

Sina Alexis at Athisa ang hinuhulaang maglalaban sa main title ilang linggo bago pa ang timpalak na ginanap nitong Miyerkules ng gabi sa MOA Arena.

Ang dalawa ang mayroong pinakamarami at pinakamaiingay na tagasuporta sa social media.

Matapos koronahan si Chelsea Manalo ng Bulacan bilang Miss Universe Philippines 2024, inanunsyo ng MUPH Organization ang apat pang titulo para sa mga kandidata.

Itinanghal si Alexie bilang Miss Eco International Philippines 2025 habang kinoronahan si Ahtisa Manalo bilang Miss Cosmo Philippines 2024.

Samantala, Miss Supranational Philippines 2025 si Tarah Valencia ng Baguio habang Miss Charm Philippines 2025 si Cyrille Payumo ng Pampanga.