PINASUSPINDE muna ng Malacanang ang pilot implementation ng general community quarantine with alert level system sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.
Dahil dito, mananatili sa modified enhanced community quarantine ang buong Kamaynilaan hanggang Setyembre 15.
Ibig sabihin, hindi pa rin papayagan ang indoor at maging ang al-fresco dine-in, personal care services gaya ng beauty salon, parlor at spa.
Payayagan ang religious services bagamat sa pamamagitan lamang ng online video recording.
Maari ring dumalo sa mga lamay at libing ang immediate family members na namatayan basta ang nasawi ay hindi biktima ng COVID-19.