4 Chinese drug traffickers todas; P3.4B shabu kumpiskado

NASAWI ang apat na Tsino, mga hinihinalang miyembro ng international drug syndicate, sa operasyon kontra-droga ng pulisya sa Candelaria, Zambales nitong Martes ng umaga.


Nakukpiska naman ng mga otoridad ang P3.4 bilyong halaga ng shabu matapos ang engkwentro.


Kinilala ang mga nasawi na sina Gao Manzhu, Hong Jianshe, at Eddie Tan pawang taga-Fujian, China, at Youhua Xu, residente ng Quezon City.


Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police Region 3 ang isang beach resort pero pinaputukan umano sila ng mga Tsino.


Gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang apat.


Nakuha rin mula sa mga suspek ang apat na baril, isang kotse at mga passports.