MAY pakiusap ang aktres at box office queen na si Marian Rivera sa mga anak na sina Zia at Sixto: Don’t grow up too fast!
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen ang ilang larawan ng mga anak nila ni Dingdong Dantes.
“Time, please slow down! I’m not ready for my babies to grow up so quickl” ani Marian sa caption.
Nilakipan din niya ito ng mga hashtags na #TimeFlies and #CherishEveryMoment.
Noong nakaraang buwan lang ay ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang ikalimang na kaarawan ni Sixto.
“Dearest Sixto, [on] your special day, I pray that God showers you with His abundant blessings and grace,” ani Marian.