MAAGANG pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan nagbigay ng ulat ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa super typhoon Karding.
“You might notice, I put emphasized on the prepositioning and prepare as much as possible. I am happy to note, that we have many assets, mga sasakyan, mga goods, they are already available, now. What we have to do now is how to deploy these assets, saan ang pinaka-critical,” sabi ni Marcos.
Sinabi naman ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ala-1 ng umaga ay umabot na sa 10,000 hanggang 13,000 pamilya ang isinailalim sa preemptive evacuation.
“As we speak, nagdi-distribute na ang DSWD. We need air assets to airlift food items sa Polilio Island at Catanduanes,” sabi ni Tulfo.