5 rescuer patay sa Bulacan

KINUMPIRMA ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na limang rescuer ang nasawi matapos na malunod sa Barangay Kamias, San Miguel, Bulacan.

Idinagdag ni Fernando na nakasakay sa trak ang mga rescuer nang masira ito dahilan para magbangka na lamang ang mga biktima.

“Nagsasagwan sila nang bumagsak ang isang pader, sa lakas ng current, tinamaan sila na malamang dahilan ng kanilang pagkalunod, mga expert na yan actually,” sabi ni Fernando.

Idinagdag ni Fernando na tumaas ang tubig sa lugar dahil sa flash flood dulot ng mga pag-ulan dahil sa super typhoon Karding.

“Nakalulungkot, actually ito yun buhay na bayani natin na sumasagip ng buhay ng ating mga kababayan sa oras ng kalamidad, hindi natin inaasahan, aksidente,” aniya.