AABOT na sa P300 milyong tulong pang-edukasyon ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development sa mahigit 66,000 mag-aaral.
“P168 million ang naibigay as of 8 a.m. today (Sunday-August 28),” ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo.
“Ang na-serve ay nasa 66,000 to 68,000 na mga estudyante. So kapag pinagsama po yung kahapon at noong isang Sabado, nasa P300 (million) plus na,” ani Tulfo.
Nauna nang inanunsyo ng DSWD na aabot sa tatlong estudyante sa bawat mahihirap na pamilya ang makakatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng P1,000 para sa elementarya, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school, at P4,000 para sa isang tertiary student na naka-enroll sa isang kolehiyo o technical vocational.