NAGTAMO ng sugat sa ulo ang isang Pinay OFW sa Hong Kong habang napuruhan sa paa ang kanyang mister nang mabagsakan ng gumuhong lupa at bato nitong Sabado.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), tinututukan nito ang kondisyon ng mag-asawa na kapwa manggagawa sa resort sa Sai Kung, New Territories.
Kinukunan ng larawan at video ng dalawa ang pinsala ng malakas na ulan sa isang pasilidad nang maganap ang landslide.
“Both were immediately taken to a nearby hospital for treatment,” ayon sa DMW.
“The wife sustained head injuries but is in stable condition. She remains in hospital for further observation, while her husband suffered leg injuries and is currently undergoing an operation,” dagdag nito.
Iniulat ng kagawaran na nagbigay na ng tulong sa mag-asawa ang kanilang tanggapan at ang Overseas Workers Welfare Administration office sa Hong Kong.