ISANG malakas na lindol ang gumising sa Luzon Sabado ng umaga.
Ito ay matapos yanigin ng 6.6 (UNANG NAPAULAT NA 6.7) magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas alas-4:48 ng madaling araw, na may lalim na 112 kilometro, ayon sa report ng US Geological Survey.
Ang malakas na paglindol ay sinundan pa ng 5.8 magnitude na paggalaw makatapos ang ilang minuto.
Bukod sa Batangas, naramdaman din ang pagyanig sa maraming bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, at umabot pa sa Visayas.
“It’s very strong, we’re alarmed,” pahayag ni police Major Ronnie Aurellano ng PNP Calatagan, Batangas, na siyang naging epicenter ng mga pag-uga.
Ang paglindol ay naganap sa gitna nang matinding pagbuhos ng ulan dala na habagat, dahilan para mas maraming residente ang mangamba.
Nauna na ring nagpahayag ang state seismological agency na walang inaasahang mga pinsala ang lindol bagamat asahan na umano ang aftershocks.
Naitala ang Intensity V sa mga sumusunod na lugar: Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan and Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona and Dasmariñas City, Cavite
Intensity IV – Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City and Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal
Intensity III – Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan