GOOD news para kay dating Senador Leila de Lima at sa kanyang mga supporter matapos iabswelto ng Muntinlupa Regional Trial Court ang isa pa niyang drug case.
Ibinasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ang kasong nag-uugnay kay De Lima sa illegal drug trade.
Ayon kay Judge Abraham Alcantara, wala siyang nakikitang dahilan para i-convict and dating senadora at dating aide nito na si Ronnie Dayan, sa akusasayong isinampa laban sa kanila dahil sa diumano’y pag-conspire nila sa isa’t isa para sa bentahan ng illegal drugs sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong panahon na si De Lima ay secretary pa ng Department of Justice.
Bago ito ay napawalang-sala na rin si De Lima sa isa pang drug case noong 2021. Isang drug case na lang ang natitira pa na dapat maipanalo ni De Lima para siya makalabas ng kulungan.